Martes, Abril 21, 2015

CHEATING AND LIES






Would you care if we quit talking
Would you care if I went walking
I need to know how you feel
So I know how to deal
I like it when your by my side
I hate it when you try to hide
All the cheating and the lies
Brings me one step closer to saying goodbye
I know the cheating is a fact
because I've caught you in the act
I wish I had more trust in you
but it's kinda hard when I busted you
Seems to me you wouldn't care
even if I wasn't there
I always wonder who your with
hoping it's not another chick
I'm not saying I don't believe you
it's just too many people have told me to leave you
But you are everything to me
which is why I want you me to always be
Believing you may be a mistake
but it's a risk I'm willing to take
I really love you, always know I do
and remember there will always be a me and you

SECOND CHANCES?






If you could have a second chance at life
Would you finally get things right? 
Would you do all that it takes
To undo all of your past mistakes? 
Would you take the time to learn everything that you never knew? 
Would you do all of the things that you never had the courage to do? 

There are many things in my life that I would like to change
I have lots of regrets and many mistakes that I have made
There are opportunities that I haven’t taken
Too many wrong choices that I have made
I wish that I could right all of my wrongs
And find the place where I truly belong
I want to get a second chance at life
I want to be able to put things right

But in this cruel, harsh world, there are no second chances
And we just have to grasp each opportunity before it passes
We may make mistakes but we shall learn from them all
I am going to start taking my life into my own hands
I am going to live it the best way I can 

Miyerkules, Abril 15, 2015

TREASURE


DALAWANG BABAE AYAW MAGHIWALAY







May pasok nuon sa school at medyo gabi na ako nakaalis sa school mga 6pm dahil may ginawa pa kami ng mga classmates ko. Ilang minuto din ang lumipas bago ako makasakay ng jeep habang nasa byahe ay mabagal ang takbo ng jeep dahil nagbabakasakali na mapuno ang kanyang jeep ng pasahero kaya medyo nagging matagal ang byahe ko naiinip man ako ay wala ako magawa kundi mag-antay. Nang makarating na ako sa babaan ay nag-antay naman ako na makumpleto ang isang byahe ng tricyle dahil hindi ito pwedeng umalis ng hindi tatlo ang pasahero mga 10 minuto siguro ako nakapag-antay bago dumating ang dalawang babae pero sa halip na ako ang mauna ay agad silang nauna sa loob naisip ko tuloy alangan namang ako ang lumagay sa likod eh obvious naman na hindi ako pwede dun dahil nakapalda ako hindi ako umalis sa pwesto ko at sinabi ko sa driver na hindi ako sasakay dahil hindi ako pwede sa likod ang pakiramdam ko nuon ay naiinis dahil sa ganong sitwasyon tapos sabi ng driver “miss baka pwede na isa sa inyo ay sa likod na lang dahil nakapalda nga ako” sagot ng dalawang babae ay hindi daw sila pwede dahil baka may makakita sa kanila sa likod no choice ako kundi mag-antay ng iba pang makakasabay para makaalis ang isa pang byahe sa awa naman ng Diyos ay may dumating na at nakasakay an ako samantalang ang dalawang babae ay hindi pa nakakaalis dahil kulang pa sila ng isa natawa tuloy ako dahil inisip ko ayaw nyo kasi maghiwalay ayan tuloy hindi kayo makaalis hahahaha.

NAKAKAPANGHINAYANG






High school ako noon ng mangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa aming lugar galing akong school pag-uwi ko ay natanaw ko ng maraming sasakyan at tao na tila hindi mapakali hanggang sa nakababa na ako ng tricycle nilapitan ko agad ang aking mga magulang at tinanong kung ano ba ang nagyayari sabay sabi ba yung pinsan ko ay sinugod sa hospital delikado ang lagay nalungkot ako ng sobra at naiyak dahil yung pinsan ko na iyon ay napakabait, masunurin, masipag at hindi mabarkada masasabi mo talagang isang mabuting anak. Nang pumasok na ako sa aking kwarto ay nagdasal ako na sana bigyan pa ni GOD ng chance na dugtungan ang buhay nya at mapagaling agad ng mga doctor dahil napakabata pa nya para iwanan ang mundong ito. Kinabukasan ay dumalaw ang iba kong mga pinsan gustuhin ko man sumama ay hindi maaari dahil may pasok pa ako nalaman ko na lang na malala na talaga ang kondisyon nya dahil sa kumalat an infection sa kanyang katawan kaya nung makauwi na ako ay sumama agad ako sa mga dadalaw. Habang nasa byahe ay nagdadasal kami na wag naman sana humantong sa ganoong pangyayari na mawawala na siya. Nang dumating kami sa hospital ay dali-dali kaming pumunta sa kanya pagdating naming doon ay wala na kaming inabutan pa dahil binawian na siya ng buhay halos lahat ay parang tumigil ang mundo sa nangyari kahit ako mismo ay napahagulgol sa panghihinayang sa kanyang buhay. Naisip ko tuloy na bakit sa kanya pa nangyari ang ganito samantalang napakabuti nyang tao at napakabata pa ngunit sabi nga lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan at anumang pagsubok ay kayang lagpasan, mahirap man tanggapin pero kailangan dahil ito ay naaayon sa kagustuhan ng Panginoon. 

HINDI KO AKALAIN







Marami akong kaibigan at may ilang na sobrang lapit ko sa kanila na nasasabihan ko din ng mga problema ko minsan kasama ko sa lahat ng saya, kalokohan at maging sa kalungkutan. Dumating yung time na nagkaroon ako ng sobrang bigat na problema at para sa akin ito na ang pinaka mahirap sa lahat ng naranasan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko naguguluhan ako at maiiyak na lang akong mag-isa kapag wala na sa harap ng mga tao dahil gusto ko pa din na ipakita na masaya ako na okay ako dahil ayokong maapektuhan ang trabaho at mga taong nakapaligid sa akin. Sinubukan ko na mag-open na sa mga close friend ko pero dumating sa point na lahat sila busy wala ako magawa kundi sarilihin at umiyak na lamang ng mag-isa naisip ko din na bakit sa ganitong sitwasyon pa saka sila wala. Hanggang kinabukasan sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ng kasama kong mag-apply ditto sa work ko ngayon nagkaayaan kumain at magkamustahan tapos tinanong nya ako kung ano na balita sa buhay ko ayun hindi ko napigilan na manggilit ang aking luha sa mga mata dahil sa problema ko nahalata nya ito at sinabing kung anuman daw ang problemang pinagdadaanan ko ay malalagpasan ko ito at magpray lang palagi kung kailangan ko daw ng makakausap nandito lang daw siya sabay bigay ng kanyang number nagpasalamat ako dahil kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam hindi ko akalain na siya ang darating na tao sa buhay ko sa sitwasyong ganun hanggang ngayon ay nananatiling matibay at matatag ang aming friendship kahit malayo kami sa isa’t isa.

MASAYANG PAG-UWI






Malapit na ang Christmas vacation nuon kaya inagahan ko ang pag-file ng leave form sa aking supervisor para mauna sa listahan na kanyang pipiliin na makapagleave sa work. Hindi naman ako nabigo dahil isa ako sa mga pinayagan dahil konti lamang ang kotang kailangan para sa customer. Araw ng sabado nuon ako umuwi nang nakarating na ako sa terminal madami ng tao at mahaba na ang pila ng mga pasahero kaya nasa dulo na ako nakapwesto halos dalawang oras ako nag-aantay na makasakay sa bus gutom, pangangalay ng mga paa ang aking nararamdaman hindi ako pwede umalis sa pila dahil pagbalik ko eh wala na ako pwesto kaya nagtiis na lamang ako hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na din ako sa wakas. Habang nakaupo ako ay may sumakay na isang lalaki at masasabi kong gwapo para sa akin, maporma sa tingin ko din ay mabait dahil sya mismo ang unang tumulong sa matandang babae na maglakad at sa tabi nya mismo itinabi ang babae. Napatingin ako sa kanya at napangiti na lamang habang nasa byahe ay napatingin ulit ako sa kanya ngunit ito ay tulog naisip ko bigla na gwapo pala talaga sya kahit sa malapitan at kapag tulog haha hanggang sa bumaba na sya sa Bulacan naisip ko tuloy na sana marami pa ang katulad nya ang makilala ko haha ganito yata talaga siguro kapag teenager ka pa kikiligin ka sa mga sitwasyong ganito. Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na din ako sa aming bahay na masaya dahil sa lalaking gwapo, maporma at matulungin.Malapit na ang Christmas vacation nuon kaya inagahan ko ang pag-file ng leave form sa aking supervisor para mauna sa listahan na kanyang pipiliin na makapagleave sa work. Hindi naman ako nabigo dahil isa ako sa mga pinayagan dahil konti lamang ang kotang kailangan para sa customer. Araw ng sabado nuon ako umuwi nang nakarating na ako sa terminal madami ng tao at mahaba na ang pila ng mga pasahero kaya nasa dulo na ako nakapwesto halos dalawang oras ako nag-aantay na makasakay sa bus gutom, pangangalay ng mga paa ang aking nararamdaman hindi ako pwede umalis sa pila dahil pagbalik ko eh wala na ako pwesto kaya nagtiis na lamang ako hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na din ako sa wakas. Habang nakaupo ako ay may sumakay na isang lalaki at masasabi kong gwapo para sa akin, maporma sa tingin ko din ay mabait dahil sya mismo ang unang tumulong sa matandang babae na maglakad at sa tabi nya mismo itinabi ang babae. Napatingin ako sa kanya at napangiti na lamang habang nasa byahe ay napatingin ulit ako sa kanya ngunit ito ay tulog naisip ko bigla na gwapo pala talaga sya kahit sa malapitan at kapag tulog haha hanggang sa bumaba na sya sa Bulacan naisip ko tuloy na sana marami pa ang katulad nya ang makilala ko haha ganito yata talaga siguro kapag teenager ka pa kikiligin ka sa mga sitwasyong ganito. Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na din ako sa aming bahay na masaya dahil sa lalaking gwapo, maporma at matulungin.