Miyerkules, Abril 15, 2015

NAKAKAPANGHINAYANG






High school ako noon ng mangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa aming lugar galing akong school pag-uwi ko ay natanaw ko ng maraming sasakyan at tao na tila hindi mapakali hanggang sa nakababa na ako ng tricycle nilapitan ko agad ang aking mga magulang at tinanong kung ano ba ang nagyayari sabay sabi ba yung pinsan ko ay sinugod sa hospital delikado ang lagay nalungkot ako ng sobra at naiyak dahil yung pinsan ko na iyon ay napakabait, masunurin, masipag at hindi mabarkada masasabi mo talagang isang mabuting anak. Nang pumasok na ako sa aking kwarto ay nagdasal ako na sana bigyan pa ni GOD ng chance na dugtungan ang buhay nya at mapagaling agad ng mga doctor dahil napakabata pa nya para iwanan ang mundong ito. Kinabukasan ay dumalaw ang iba kong mga pinsan gustuhin ko man sumama ay hindi maaari dahil may pasok pa ako nalaman ko na lang na malala na talaga ang kondisyon nya dahil sa kumalat an infection sa kanyang katawan kaya nung makauwi na ako ay sumama agad ako sa mga dadalaw. Habang nasa byahe ay nagdadasal kami na wag naman sana humantong sa ganoong pangyayari na mawawala na siya. Nang dumating kami sa hospital ay dali-dali kaming pumunta sa kanya pagdating naming doon ay wala na kaming inabutan pa dahil binawian na siya ng buhay halos lahat ay parang tumigil ang mundo sa nangyari kahit ako mismo ay napahagulgol sa panghihinayang sa kanyang buhay. Naisip ko tuloy na bakit sa kanya pa nangyari ang ganito samantalang napakabuti nyang tao at napakabata pa ngunit sabi nga lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan at anumang pagsubok ay kayang lagpasan, mahirap man tanggapin pero kailangan dahil ito ay naaayon sa kagustuhan ng Panginoon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento