Miyerkules, Abril 15, 2015

TREASURE







Sa pagtungtong ko sa paaralang ito
Marami ako natutunan at naranasan sa buhay ko
Na hindi ko makakalimutan kaylanman
Maraming saya at lungkot na nangyari
Sa bawat pangyayari ay mayroon tayong lesson sa buhay

Dito sa estado ng high school
Mas lalo ko nakilala kung sino talaga ko
Kung ano ang maaari kong gawin sa mundong ito
Kung ano ang pwede kong itulong sa kapwa ko

Nakahanap din ako ng tunay na kaibigan
Na laging nandyan Masaya man ako o malungkot
Hanggang ngayon ang pagkakaibigang iyon ay matibay at matatag
Isa ito sa mga nagging treasure sa high school life ko

Ang sarap balik-balikan ang mga ala-alang ganito
Nagbibigay sa akin ng ngiti at saya sa tuwina
Ang mga guro na nagging kaibigan ko na din
Sumusuporta at nagbibigay lakas ng loob lagi

Ang high school life ko ang masasabi kong napakasaya
Dahil ito ang nagging malaking bahagi ng buhay ko
Dito ako unti-unting natuto sa buhay
Dito din ako nagkaroon ng maraming tanong sa buhay
Na minsan kahit kaibigan ko ay hindi nila kayang saguti
Kaya sasabihin nila sa akin na “Mina ang lalim mo”sabay tawanan
Masasabi ko na lang sa sarili ko
Bakit ko nga kaya naiisip ang mga ganong bagay
Diba masyado pa kong bata para problemahin ang mga ganon
Mapapatingin na lang ako sa taas at masasabing
Siguro nga sa tamang panahon ko pa lahat malalaman ang sagot.




                                             

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento