May pasok nuon sa school at medyo gabi na ako nakaalis sa school
mga 6pm dahil may ginawa pa kami ng mga classmates ko. Ilang minuto din ang
lumipas bago ako makasakay ng jeep habang nasa byahe ay mabagal ang takbo ng
jeep dahil nagbabakasakali na mapuno ang kanyang jeep ng pasahero kaya medyo
nagging matagal ang byahe ko naiinip man ako ay wala ako magawa kundi
mag-antay. Nang makarating na ako sa babaan ay nag-antay naman ako na
makumpleto ang isang byahe ng tricyle dahil hindi ito pwedeng umalis ng hindi
tatlo ang pasahero mga 10 minuto siguro ako nakapag-antay bago dumating ang dalawang
babae pero sa halip na ako ang mauna ay agad silang nauna sa loob naisip ko
tuloy alangan namang ako ang lumagay sa likod eh obvious naman na hindi ako
pwede dun dahil nakapalda ako hindi ako umalis sa pwesto ko at sinabi ko sa
driver na hindi ako sasakay dahil hindi ako pwede sa likod ang pakiramdam ko
nuon ay naiinis dahil sa ganong sitwasyon tapos sabi ng driver “miss baka pwede
na isa sa inyo ay sa likod na lang dahil nakapalda nga ako” sagot ng dalawang
babae ay hindi daw sila pwede dahil baka may makakita sa kanila sa likod no
choice ako kundi mag-antay ng iba pang makakasabay para makaalis ang isa pang
byahe sa awa naman ng Diyos ay may dumating na at nakasakay an ako samantalang
ang dalawang babae ay hindi pa nakakaalis dahil kulang pa sila ng isa natawa
tuloy ako dahil inisip ko ayaw nyo kasi maghiwalay ayan tuloy hindi kayo
makaalis hahahaha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento