Miyerkules, Abril 15, 2015

TWO PESOS




Araw ng pagpasok sa school maaga ako gumising para maghanda kumain, naligo at gumayak nang dumating na ako sa paradahan ng jeep sumakay na ako agad kahit medyo puno na dahil baka ma-late pa ako. Habang umaandar ang jeep may pumarang isang lalaki at sumakay habang nasa byahe ay may nagpaabot ng bayad sinuklian naman agad ito ng driver tapos makalipas ang ilang minuto nagabot muli ng sukli ang driver na halagang two pesos kinuha ito nung lalaking sumakay kanina at iniabot sa aming mga pasahero ngunit wala ni isa man sa amin ang kumuha dahil sabi naming wala na kaming sukli. Nagsalita ang isang nanay na ibalik na lang sa driver dahil wala sa amin ang may sukli tapos yung lalaki hawak-hawak lang talaga nya yung two pesos kahit na sinabi na naming lahat an walang may sukli. Hanggang nagbayad sya mismo ng pamasahe nya sa driver 100 pesos pa nga pinambayad nya kaya hindi mo naman iisipin na walang pera nagtataka lang talaga ko bakit hindi nya binalik ang two pesos haha hanggang sa nakababa na sya dala-dala nya talaga haha. Nang pumasok an ako sa school ay agad akong nagkwento sa sobrang tuwa ko sa lalaking yun hahahaha. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento