Marami akong kaibigan at may ilang na sobrang lapit ko sa kanila
na nasasabihan ko din ng mga problema ko minsan kasama ko sa lahat ng saya,
kalokohan at maging sa kalungkutan. Dumating yung time na nagkaroon ako ng
sobrang bigat na problema at para sa akin ito na ang pinaka mahirap sa lahat ng
naranasan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko naguguluhan ako at maiiyak na lang
akong mag-isa kapag wala na sa harap ng mga tao dahil gusto ko pa din na
ipakita na masaya ako na okay ako dahil ayokong maapektuhan ang trabaho at mga
taong nakapaligid sa akin. Sinubukan ko na mag-open na sa mga close friend ko
pero dumating sa point na lahat sila busy wala ako magawa kundi sarilihin at
umiyak na lamang ng mag-isa naisip ko din na bakit sa ganitong sitwasyon pa
saka sila wala. Hanggang kinabukasan sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita
kami ng kasama kong mag-apply ditto sa work ko ngayon nagkaayaan kumain at
magkamustahan tapos tinanong nya ako kung ano na balita sa buhay ko ayun hindi
ko napigilan na manggilit ang aking luha sa mga mata dahil sa problema ko
nahalata nya ito at sinabing kung anuman daw ang problemang pinagdadaanan ko ay
malalagpasan ko ito at magpray lang palagi kung kailangan ko daw ng makakausap
nandito lang daw siya sabay bigay ng kanyang number nagpasalamat ako dahil
kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam hindi ko akalain na siya ang
darating na tao sa buhay ko sa sitwasyong ganun hanggang ngayon ay nananatiling
matibay at matatag ang aming friendship kahit malayo kami sa isa’t isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento