SUPERVISOR KONG MALUPIT

Sa aking pakikipagsapalaran sa larangan ng trabaho marami akong
naranasan na di ko akalain. Iba’t ibang klase ng tao ang aking nakasama
hanggang dumating ang isang araw na ako’y kasalukuyang nasa duty ay biglang
sumakit ang aking sikmura at nagkaroon ng mataas an lagnat bigla akong dinala
sa clinic para matingnan at makapagpahinga pinainom ako ng gamot hanggang sa
makatulog ako paggising ko ay hindi na ganon kasama ang pakiramdam ko hanggang
sa nakalipas ang buong nightshift duty na nakasurvive ako. Dumating ako sa
bahay kumain at nagpahinga na dahil may duty pa ako later. Nung magising ako ay
almost 6pm na naisip ko agad na baka ma-late ako nito dahil 7pm lagi ang call
time sa shuttle pilit ko mang ibangon agad ang sarili ko ay hindi ko magawa
dahil trangkaso na pala ang nangyayari sa akin at sinabayan pa ng pagsusuka
dahil sa pananakit ng sikmura agad na lamang akong nagtext sa aking visor na
hindi ako makakapasok dahil sa sitwasyon ko. Kinabukasan ay nagpunta na kami ng
ate ko sa doctor para malaman kung bakit ganito madaming binawal at kailangag
inumin na gamot sa isang araw ng sabay sabay. Sinabi ko ulit sa visor ko na
kailangan ko ng pahinga dahil yun ang sabi ng doctor. Inabot ako ng almost 5
days na hindi nakapasok hanggang sa nakareceive ako ng text mula sa visor ko an
baka daw nagdadahilan lang ako dahil napakatagal naman daw pwede naman daw sana
na magpaalam na lang kung may lakad papayagan naman daw nya kelangan ko daw
magpakita sa kanya ng medical certificate patunay sa mga dahilan ko. Naiyak ako
dahil feeling ko ang lupit nyang visor na para bang hindi nya iniisip ang
kalagayan at mararamdaman ng employee nya sa pagsasalita nya ng ganon. Pagpasok
ko ay agad kong binigay sa kanya ang medical certificate tiningnan nya ito at
sabi bakit pumasok na ako eh may nakalagay pa dito sa letter ng doctor na 2
days bedrest pa nasabi ko na lang sa kanya na sir gusto ko patunayan sa inyo na
hindi ako katulad ng ibang empleyado na nagdadahilan lang para sa sariling lakad.
Natawa sya at sabi alam ko naman na hindi ka katulad nila nagtaka lang ako
bakit ang tagal hindi na lang ako kumibo at nagbalik na sa aking trabaho.
Simula nun ay nabawasan ang tiwala at respeto ko sa kanya na sumagi din sa isip
ko na totoo pala yung mga sinasabi ng ibang empleyado sa kanya na ganon sya may
paborito, hindi ka maiintindihan sa nararamdaman mo kung ano lang ang gusto
nyang sabihin gagawin nya at mas naniniwala pa sa sabi-sabi ng iba bago sayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento